Ang ‘Kill, kill, kill’ order umano ni Pangulong Duterte ay hyperbolic lamang.

Ang ‘kill, kill, kill’ order ni Pangulong Duterte sa mga komunistang rebelde ay dinepensahan ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na nagsabing ang mga ito ay ‘hyperbolic’ na pahayag lamang at na hindi umano mag-iissue ng illegal na kautusan si Duterte.

Nagbabala naman si Senator Richard Gordon dito, na ang mga utos raw na ito ay magkakaroon ng masasamang consequences kung ma-misinterpret ng pulisya’t mga sundalo ng bansa.

Ani ni Gordon, “Even if he did not intend to inflict harm or death, he would still be liable.”

Idinagdag naman ni Bato ukol as mga pahayag ng Pangulo, “He’s not saying: ‘Do what’s illegal as long as you can carry out my orders.’ I know he means well, and he means that all that he wants to happen should be legal.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.