Ang kautusan ni Pangulong Duterte na patayin ang mga komunistang rebelde ay legal umano sa ilalim ng IHL

Dinepensahan ng palasyo ang ibinitaw na ‘Kill, kill, kill” order ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga komunistang rebelde.

Ani ni presidential spokesperson Harry Roque, ang direktibang ito ay legal sa ilalim ng International Humanitarian Law (IHL).

Ayon sa kanya, “Kapag meron po talagang digmaan, sang-ayon sa International Humanitarian Law, eh pupuwede talagang magkaroon ng labanan at meron talagang mamamatay lalong-lalo na doon sa mga kasapi po sa labanan.”

Idiniin pa nito na tama lang ang direktiba ni Duterte dahil, “Kapag merong labanan, kapag ang kalaban mo may baril na pwede kang patayin, alangan namang ikaw ang mag-antay na mabaril at mapatay?”

Ang pahayag na ito ay dulot ng kamatayan ng 9 na aktibistang biktima ng mga idinaos na police raids sa -kanya-kanyang opisina ng mga ito sa Calabarzon.

Ang kontrobersyal na ‘Kill, kill, kill’ order ay binitawan ng Pangulo noong Biyernes sa meeting nito kasama ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Idinagdag naman ni Roque na ang pagkamatay ng mga aktibista ay nangangailangan ng imbestigasyon dahil ang mga ito’y hindi armado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *