Ang innovation at leadership sa Maynila, world-class!

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Isko Moreno, dumarami ang parangal at pagkilalang natatanggap ng City of Manila. At isa na rito ang pagkilala at nomination galing sa Bloomberg Philantropies!

Inanunsyo lang ng Bloomberg Philantropies ang 50 Champion Cities na nagrerepresenta sa pinaka-makabago at importanteng urban innovations sa nakaraang taon.

Ang mga ito’y sasabak sa isang kompetensya para sa final stage ng 2021 Global Mayors Challenge, isang programang nagpapakalat sa mga ideya at innovation ng mga participants. Ang focus para sa taong ito’y ang mga innovation na isinagawa ng mga Mayor sa kanilang siyudad bilang tugon sa global problem na COVID-19.

Isa ang City of Manila sa napangalanan sa top 50 cities na makikipag-kompetensya sa nabanggit na programa.

Ipinarating ni Moreno ang pagpapasalamat niya sa rekognisyon at kinilalang ang parangal na ito’y para sa bawat Manileño’t Filipino.

Inanunsyo rin ni Moreno na committed ang Manila sa susunod na phase ng kompetisyon.

Ang mga siyudad ng Manila at Butuan lamang ang natatanging mga Southeast Asian cities na napabilang sa top 50 cities galing sa selection ng 600 worldwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *