Ang ‘Healthy Pinas Van’ ay nakatutok sa common diseases!

On operations na ang Healthy Pinas mobile clinic na programa ni Risa Hontiveros at ang unang benepisyaryo nito’y ang mga residente ng Brgy. Turu, Magalang, Pampanga.

Ang pangunahing programa ng mobile clinic daw ay para matulungan ang mga mamamayang ma-monitor ang mga common diseases nila.

Kinikilala ni Hontiveros na hindi lamang COVID-19 ang kalaban, kundi pati na rin ang kanya-kanyang sakit ng masa bago pa man tumama ang pandemya.

Ipinaalam pa ni Hontiveros sa Facebook post nito na ang mga residente ng site na pinuntahan nila ay dumaan sa ilalim ng antigen tests, pati na run ang lahat ng staff.

Leave a Reply

Your email address will not be published.