Ang gagamiting national costume sana, hindi nakarating sa Amerika?
Naparangalan ng pagkapanalo ng National Costume si Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin sa pinakahuling Miss Universe competition.
Bumuhos ang simpatya para sa kanya dahil sa panawagan nitong “Pray for Myanmar” dulot ng pamumuno na ng military sa bansa mula pa noong February 2021. Ilang mga kababayan nito ang pinatay ng mga military dahil sa naglipanang kilos-protesta ng mga sibilyan.
Ngunit kasabay ng matapang niyang panawagan sa publiko ang katotohanang hindi pala informed ang Myanmar border sa pag-alis niya ng bansa dahil sa pagsusuot nito ng damit at aksesoryang nagkubli sa katauhan niya.
Dagdag pa para hindi nga mahalata ng customs ang gagawin niyang pagtakas, ipinadala pa-Florida ang National Costume na gagamitin sana niya sa isang courier company. Ngunit sa kabila ng effort na ito, hindi nakatungtong ng Amerika ang costume sana niya.
Ang nasuot ng kandidata sa kompetisyon ay donasyon galing sa Chin Community ng Florida, at tinatawag itong ‘Fearless Empress.’ Malakas ang suportang natatanggap ni Thuzar sa komunidad dahil kinokondena ng mga ito ang karahasan sa Myanmar.
Sa ngayon, hindi posibleng makauwi si Thuzar sa bansa dahil mayroon nang arrest warrant na inilabas para sa kanya dahil sa nagawang pagtakas. Kasama na rin dito na aktibo ang kandidata sa mga kilos-protesta ng mga sibilyan at ginamit ang platform nito sa social media upang mai-kondena ang coup d’etat noong Pebrero.
Hanggang sa ngayon, sa kabila ng hirap na nadanas sa bansa at para sa Miss Universe, positibo si Thuzar dahil na rin sa mensahe nito para sa mga kababayan.
Ani ng kandidata, “Myanmar, we did it and it wouldn’t be possible if it’s not for your love and support.
Thank you so much to those who voted for Best National Costume. It’s more than a costume. It’s a message, spirit, and solidarity. Be safe and God bless you all!”