“Ang buhay niya’y puno ng pagmamahal, sakripisyo, katapangan, at commitment sa paglilingkod sa bayan.”

Kasama ng ibang mga miyembro ng Senado ay nagbigay ng pagpupugay si Senator Risa Hontiveros para sa buhay ni Dinky Soliman, ang dating kalihim ng Social Welfare and Development.

Ginunita nila ang mga kontribusyon ni Soliman sa humanitarian assistances at relief operations na isinagawa sa bansa habang siya’y nakalaklak sa pwesto.

Nabanggit pa ni Hontiveros na si Soliman umano’y nabuhay ng puno ng pagmamahal, sakripisyo, katapangan, at ng serbisyo para sa bayan.

Binigyang puri niya pa ito’t nagsabing, “She is a remarkable hero and a comrade to me. I am truly sorry to hear about her passing.”

Binanggit din nitong, “Napakahabang panahon ang ginugol niya sa paglilingkod, dahil nakita niya na may kakayahan ang mga Pinoy basta’t may kagamitan sila at pagkakataon.”

Hindi umano makakalimutan si Soliman para sa walang sawang pangunguna nito para sa implementasyon ng 4Ps.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *