Ang bagong kasunduan ni Hontiveros at Co ay makakapagbigay ng pagkakakitaan sa mga nawalan ng trabaho!

Masayang ibinalita ni Senator Risa Hontiveros ang pagkakalagda niya ng ‘Covenant to Assist Displaced Workers’ kasama si Ako Bicol Congressman Zaldy Co.

Ang programang ito ay nakalaan upang makatulong sa mga kababayang nawalan ng hanapbuhay na tuluyan nang makaahon sa hirap na kinalulugmukan nila.

Ang kasunduang ito rin ay nagtatakda na parehong si Hontiveros at Co ay maglalaan ng pondo rito upang panimula sa mga pagkakakitaan ng mga benepisyaryong nawalan ng trabaho dulot ng economic recession na dala ng pandemya. Ito’y magiging totoo sa pamamagitan ng programang, TUPAD Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published.