Ang bagong communications strategist ay flagged na ng Facebook mismo dahil sa ‘inauthentic behavior’ nito!
Mayroong bagong hire ang Department of Finance (DOF) na communications strategist na kilala na dahil sa pagkaka-flag nito mula mismo sa Facebook dahil sa ‘manipulative activities’ at ‘inauthentic behavior’ nito online. Hihigit sa 200 pages nito ang na-take down ng Facebook dahil kinilala itong nagpapakalat ng misinformation sa platform.
Sa isang notice ng award na isinagawa noong June 10, inanunsyo ng DOF ang kontratang nagkakahalagang PHP 909,122 sa public relations strategist na si Nicanor Gabunada Jr., ang parehong communications strategist na nabanggit sa taas na flagged na ng Facebook.
Ang kontratang ito ay nagsimula noong June 16, at matatapos sa paparating na December 15 at nagbabadya na si Gabunada ay magsisilbing communications strategy consultant ng ahensya. At na siya’y magre-research ng impormasyong makakatulong sa kung paano maipapaliwanag ng maayos ng DOF ang fiscal policies ng bansa sa publiko.
Matatandaan na noong 2019 si Gabunada’y persecuted ng Facebook para sa pag-operate ng aabot sa 200 Facebook pages, accounts, at mga grupong nahuling nagpapakalat ng misinformation online. Bilang parusa, sinarado ng Facebook ang mga ito dahil sa pag-violate ng kanilang community standards.
Sa isang pahayag ng Facebook sinabi nitong ang mga pages, accounts, at groups ni Gabunada’y umaakto sa isang ‘coordinated inauthentic behavior’ at na ang mga engagements nito’y galing sa mga fake profiles at bot operations lamang.
Naipalabas din ng imbestigasyon galing sa Facebook na si Gabunada’y gumastos ng aabot sa PHP 3M sa pagpapatakbo ng mga pages na ito.
Madalas na sentro sa mga post at engagements ay mga topics na nag-favor sa mga kandidato sa administrasyon at pag-aatake sa mga oposisyon nila.
Kinilala ring si Gabunada ang nanguna sa social media campaign na nakatulong sa kasalukuyang Pangulong Duterte sumikat online noong 2016 Elections.