Ang aktor na mismo ang umamin at pormal na nag-anunsyong miyembro siya ng LGBTQ+ community!

Nitong August 1 opisyal nang inanunsyo ni Raymond Gutierrez na siya ay miyembro ng LGBTQ+ Community.

Sa isang exclusive interview kasama ang MEGA, ibinahagi niya ang mga pinagdaanang pagsubok bilang bakla (gay) habang lumalaki, at bakit ngayon lang niya ito isinapubliko.

Ani mismo ni Raymond sa interview, “I’m here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ+ Community. And it feels great saying that publicly because I am.”

Habang lumalaki raw ay nahirapan siyang tanggapin ang kanyang identidad. Ani pa niya, “I had a brother who was so similar to me but so different in so many ways. But he never had to explain his sexuality, so why should I?”

Ngunit noong naging TV Host siya noong 19 years old pa lamang, doon tumama sa kanya na hindi pa tanggap sa maraming komunidad ang pagiging bakla.

Ikwinento nito na, “Back then, being the new person on TV I was bullied by a lot of the older people in the studios.”

Ang pambubully na natanggap niya raw ay isa sa main reasons bakit ngayon lang niya ito isinapubliko.

Isa pa sa mga rason niya ay dahil alam niyang maaapektuhan ang imahe ng kanyang kakambal na si Richard.

Anito, “I can’t be gay because my brother is a superhero right? So that was… Well, it was tough for me.”

Ngunit ngayon dawn a marami siyang natutunan sa pandemya ay gusto niyang, “I wanna empower those people. I wanna tell them that ‘You are not alone. I was going through the same things.’”

Inihahangad niya ngayon na ang coming out story niya ay makapagbigay inspirasyon sa iba na maging proud kung ano at sino sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *