Ang 2-minutong video na inilabas ng Quantum Films ay nagpatikim sa kakaharapin ng pamilya nila noong tumama ang Yolanda sa Tacloban

Inilabas na ng Quantum Films ang official trailer ng ‘Kun Maupay man it Panahon’ o ‘Whether the Weather is Fine’ na nagbibida sa naranasan ng isang pamilya noong tumama ang bagyong Yolanda sa kanilang lugar.

Nakasentro ang palabas sa pagtama at aftermath ng Yolanda at sa mga kinaharap na paghihirap ng mga bida upang mabuhay at makalagpas sa unos na iyon.

Sa 2 minutong trailer video ng palabas, ipinapakita ang karakter ni Daniel Padilla at Rans Rifol na pumapasok sa isang evacuation center habang maririnig ang mga anunsyong nagpapa-evacuate sa mga residente dahil may bagong bagyo na tatama ulit sa siyudad.

Kalaunan, magkikita si Daniel at ang ‘ina’ nito na si Charo Santos, na ayaw pumunta sa Manila kasama ng ibang survivors ng bagyo.

Nakalaan ang palabas na mag-premiere sa Locarno Film Festival bilang isang competing entry.

Leave a Reply

Your email address will not be published.