Alex, problemado sa ipinapatayong bahay nilang mag-asawa. Problema, laging dumadating!

Natutunan na ni Alex Gonzaga na ngayong panahon ng pandemya, hindi madali magpagawa ng sariling bahay.

Sa recent public appearance niya isinapubliko ang ilang mga problemang nadaanan nila ng asawang si Mikee Morada sa kasagsagan ng pagpapatayo ng unang bahay nila together bilang married couple.

Ang mga nakaharap pa umanong problema nila’y nag-move sa due date ng construction, at posible pang madagdagan ito.

Sa panayam niya in a podcast kasama ang couple na Slater Young at Kryz Uy nagpaliwanag siya in detail na, “Nandu’n pa lang kami sa proseso ng approval sa subdivision kasi ‘yung unang ginawa ng aming architect, hindi pala tama. ‘Yung mga easement.”

Ang mga measurements daw ng bahay at mga parte nito’y naging problema dahil hindi nakakameet sa requirements ng subdivision.

Idinagdag niya, “Masakit sa ulo kasi siyempre nag-feeling ako. Namroblema pa ako kasi kailangan mamili ka na ng mga suppliers mo. Tapos ang mamahal agad.”

Sa ngayon malaki ang pasasalamat ni Alex na ang mga magulang niya’y contractor nila.

Sabi ng aktres, “‘Yung bahay namin sina Mommy (Pinty) at Daddy (Bonoy) ang gumawa.”

Paliwanag pa niya sa likod ng desisyon na ito, “Alam mo ‘yung wala akong time masyado for them. At least ‘pag contractor mo is your parents, ‘pag uwi mo sa bahay, no choice ka, mag-uusap talaga kayo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.