Alas-6 ngayong umaga ay nilindol ang ibang bahagi ng Camarines Norte, pati Marikina at Pasig City nakaramdam ng pagyanig.

Nilindol ang bahagi ng Camarines Norte, Biyernes, ngayong umaga na may magnitude na 5.1 at naramdaman ang pagyanig hanggang Marikina at Pasig City. Ayon sa PHIVOLCS nagsimula ang pagyanig sa Tinaga Island sa Vinzons sa Camarines Norte at naunang naitala na magnitude ay 5.4 mga alas-6 ng umaga.
Ang mga sumusunod na lugar ay apektado din ng instrumental intensities ng lindol:
Intensity IV – Capalonga at Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity III – Guinayangan Quezon
Intensity II – Goa at Naga City, Camarines Sur; Calauag, Gumaca, Mauban, at Lopez, Quezon Province
Intensity I – Cainta, Rizal; Marikina City at Pasig City; Metro Manila; San Rafael, Bulacan

Leave a Reply

Your email address will not be published.