‘Ako lang ang sole architect ng foreign policy ng Pilipinas’ – Duterte

Iginiit ni Pangulong Duterte na siya, bilang Chief Executive ng bansa, ang sole architect ng Foreign Policy ayon sa batas, matapos umani ng kritisismo sa ilang mga opisyal dahil sa panghihingi nito ng pera kapalit sa pagpapatuloy ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng USA sa Pilipinas.

Sa ilalim umano ng Constitution, ang “foreign relations or foreign policy is vested in the President alone.”

Bilang pag-clapback kay VP Leni Robredo at Sen. Ping Lacson, sabi pa nito na, “Kung ano ang policy na gusto niya ipalabas for the Philippines is vested in the President and not with the senators or the Vice President.”

Nitong nakaraang linggo nagbitaw ng kritisismo si Robredo at Lacson na ang panghihingi ng pera sa USA ay ‘extortion’ at maaaring makapagbigay ng impresyon na ang Pilipinas ay ‘nation of extortionists’.

Sa galit, sinabihan ni Duterte ang Bise na ‘Robredo forgets her law background every time she opens her mouth.

Being a lawyer, she should know that the Constitution says that is my function. It is not their function.”

Iginiit pa nito laban ulit kay Robredo na hindi siya maaaring maging Presidente ng bansa. Idinagdag pa nito na ang pahayag ni Lacson ay ‘pretended ignorance’ lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *