agong ‘Slam Dunk’ na pelikula, inanunsyo.

Ang ‘Slam Dunk’ ay naboto bilang ikatlong pinaka-sikat na manga sa Japan kailan lamang.

Malalaman ding ang mga bumoto para dito ay masisiyahan pagka-balita na ang series na ito ay magkakaroon ng bagong pelikula. At ito’y inanunsyo noong Huwebes lamang.

Ang creator nito na si Takehiko Inoue mismo ang nag-anunsyo sa kanyang account sa social media platform na Twitter.

Mayroon nang ginawang website para sa palabas, ngunit wala pang detalye kung ito ba’y gagawin ulit ng production studio na gumawa ng animation adaptation noong 1990’s.

Ang ‘Slam Dunk’ ay sumusunod sa kuwento ng isang ‘bad boy’ na nagngangalang Sakuragi. Siya ay sumali sa basketball team ng kanilang high school upang magpa-sikat sa isang babae, ngunit kalauna’y natagpuan niya ang kaniyang kagustuhan sa laro.

Ito ay isa sa pinakamabentang manga sa kasaysayan, na mayroon nang 120 million copies na nabenta.

Ang bagong pelikula na ilalabas ay magiging ikalima ng series. Sinusundan ang apat na naunang mga palabas mula 1994 hanggang 1995.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *