“A promise or not, it’s your duty to protect what’s ours”

Ni-call out ni Former Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario si Pangulong Rodrigo Duterte na umaksyon na nga’t depensahan ang territorial waters ng Pilipinas sa West Philippine Sea, regardless kung ipinangako niya nga ito nung Halalan 2016 o hindi.

Bilang Pangulo sana ng bansa, si Duterte ang dapat na nangunguna sa pagpro-protekta ng mga teritoryo natin, ngunit imbes na gawin nga ito sa nakaraang mga taon ng pagkakaupo niya sa pwesto, tahimik lamang si Duterte patungkol sa WPS issue at patuloy na nakikipagkaibigan sa China.

Nitong Lunes ng gabi naglabas ng pahayag si Duterte na hindi nito ipinangako noong kampanya na kukunin niya pabalik ang mga ninakaw ng China mula sa bansa. Pero hindi ito ang punto ng mga kritiko niya, wala namang nanghihingi ng pagbawi niya sa teritoryo ngunit ang pag-depensa lang sana o kahit ang ilang pahayag lang.

Ani ni Del Rosario sa isang pahayag, “With due respect, Mr. President, whether or not you promised to retake the West Philippine Sea and pressure China, it is the duty of the President under the Constitution to protect what is ours and our fellow Filipinos are relying on you to do so.”

Habang si Duterte naman ay dinepensahan ang sarili’t nagsabi na, “I never mentioned China and the Philippines in my campaign because that is a very serious matter.”

Pero matatandaan ng lahat ang pahayag nito noong 2016 na nagsabi siyang magje-jetski papunta sa Spratlys at ibabandera ang watawat ng Pilipinas, kasabay ang pagpapalayas ng mga intsik at ng kanilang mga vessels sa teritoryo ng bansa.

Mukhang mahina na ata ang memorya ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *