71.6% ng hihigit sa 15K Filipinos ay gustong mga Politiko ang unang makatanggap ng China-made COVID-19 vaccines
Mayroong mga debate kung dapat bang mapabilang ang mga politiko sa lista ng mga unang makakatanggap ng COVID-19 vaccine ng China. Ang rason sa likod ng debate ay makakapagbigay umano ito ng tiwala sa mga tao patungkol sa bakuna.
Mayroong 71.6% ng nakapanayam na 15,651 Filipino ang nagsabing tatanggapin lamang nila ang bakuna galing China kung nakita nilang nagpabakuna na rin ang mga politiko.
Ang impormasyon ay nanggaling sa open access online survey na isinagawa ng isang research team galing University of Santo Tomas. Ang survey ay isinagawa noong ika-16 ng Enero hanggang ika-30, at isinalabas ang mga impormasyon noong ika-2 ng Pebrero.
Dahil sa resulta, nanawagan ang mga miyembro ng team na, “We therefore urge the President (Duterte) and all members of the national and local governments to be vaccinated in public at the launch of the national vaccination campaign to reassure the Filipino people about the safety and efficacy of the vaccines.”