42% ng workers ang nahihirapan nang pumunta pa-trabaho at 44% ang naglalakad na lamang!

Natagpuan ng pinakahuling Social Weather Survey (SWS) na sa 1,500 working respondents na kinalap nila, 42% sa mga ito ay nahihirapan nang magbyahe papunta sa trabaho sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, at 44% naman ay mas gusto na lamang na maglakad mula sa bahay papunta sa workplace nila.

Ang mga means of transportation na ginamit ng mga workers ay mga motorcycles (24%), tricycles (14%), jeepney o multi-cab (8%), bicycle (5%), bus (3%), private cars (3%), at motorboat o bangka (1%).

Natagpuan ding ang hirap sa byahe papunta ng trabaho ay apektado ng educational attainment nila. Ang mga sumagot ng “very much harder” ay pinakamataas, na mayroong 57%, sa mga hindi naka-graduate ng elementary.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *