400,000 doses ng Sinovac, malapit nang dumating para sa siyudad ng Manila!

Aabot sa 400,000 doses ng Sinovac vaccine na binili ng Manila City LGU ang malapit nang dumating, ayon na rin sa isang anunsyo ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa isang update.

Sa isang Facebook live isinagawa ang announcement at nagsabi si Isko Moreno na, “In a matter of a few days, ang Lungsod ng Maynila ay magkakaroon na ng sarili niyang bakuna on top of sa binibigay sa atin ng national government.

A total of 400,000 doses will arrive soon in a matter of a few days because we already sent the full payment to Sinovac Life Sciences Company Ltd.”

Ang LGU umano ng Manila ay nakapag-raise ng aabot sa PHP 298.5M para sa binili nilang vaccines, na naisagawa sa isang tripartite deal kasama ang National Government at Chinese Ambassador Huang Xilian.

Idinagdag ni Isko Moreno na mayroong 800,000 doses ng AstraZeneca ang na-order nila noong Enero pa pero inaasahang sa Setyembre pa ang delivery, at hanggang ngayo’y nagtratrabaho ng mahusay ang kanilang LGU upang makakuha ng dagdag na deal para sa mas maraming bakuna.

Pinuna niya kung paanong marami ang gustong mabakunahan at mayroong kakulangan ng supply. Aniya, “Nakikita ko ang pagnanais nyo na kayo’y mabakunahan sa lalong madaling panahon. Talagang umaapaw ang mga pila sa mga vaccination sites, at laging kulang ‘yung bakuna sa daming may gusto.”

Isasagawa umano ang pambabakuna sa lalong madaling panahon pagdating ng mga supply, upang compliance na rin sa goal na makapag-achieve ng population protection.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *