36 anyos na nurse ng DOH XI, hinuli sa pagbebenta ng iligal na droga!

Isang nurse ng Davao City Health Office (Department of Health XI) ang nahuli sa isang buy-bust operation nitong Lunes, at natagpuang tulak ng droga!

Ang isinagawang operasyon ay naganap sa brgy. Indangan, Davao City. Natagpuang ang nahuling nurse ay 36-anyos at may alyas na Madam. Siya rin ay surveillance officer sa Davao CHO.

Ayon sa ulat ng polisya, nag-benta ng drogang nagkakahalagang PHP 16,000 si Madam sa poseur buyer ng polisya.

Mayroong shabu na nagkakahalagang PHP 80,000 ang nakumpiska mula dito sa operasyon.

Haharap ang nurse sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published.