Sinabihan ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Budget and Management (DBM) na tigilan na ang pagtanggap ng mga proposals galing sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Matatandaang ang kumpanyang ito ay nabigyan ng PHP 8B contract ng DBM’s Procurement Service (DBM-PS) para sa pagbili ng mga medical supplies noong nakaraang taon.

Nauna nang pinanghinalaan ng mga senador ang pagbibigay ng kontrata sa kumpanyang ito na kulang ng records at mababa ang capital. Dagdag pa rito, naituro na ni Hontiveros ang posibleng koneksyon nito sa Pharmally International Holdings Corporation – isang firm na nahuli na sa Taiwan bilang ‘one of the largest security and financial fraud cases.’

Ani Hontiveros, “Pera ng taumbayan ang ginagamit para bayaran ang bilyon-bilyong halaga ng kontrata para sa ating COVID-19 response. Hindi pwedeng ang kaban ay napupunta pala sa mga kumpanyang hindi mapagkakatiwalaan.”

Idinagdag pa niya na, “it is unacceptable that DBM continues to award Pharmally with contracts. Is the DBM simply failing to do its due diligence or is it in cahoots with this questionable local firm?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *