Joint-venture agreement ng dating Mayor sa BBraun Avitum Philippines, aayusin para maging patas!

Hindi tumataliwas si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa verdict ng Commission on Audit (COA) na ‘disadvantageous’ umano ang joint-venture agreement ng LGU kasama ang BBraun Avitum Philippines Inc. (BBAPI).

Umaabot na ng PHP 53.8M ang claims ng BBAPI na hindi binabayaran ng Manila LGU dahil ang sharing scheme ay natukoy na hindi patas dahil ito’y mayroong 75-25 sharing – na pabor sa BBAPI.

Itinawag ito ni Domagoso sa atensyon ng COA at nag-request mismo sa ahensya na i-audit ang kasunduan, habang isinasagawa na niya ang rekomendasyon nito na akuin ng LGU ang pagbibili ng mga kakailanganin sa dialysis operation ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Ayon kay Chief of Staff Cesar Chavez, “Sumula nung umupo si Mayor Isko, hindi nagbayad ang Manila LGU sa hemodialysis supplies worth PHP 53.8M na sinisingil ng BBAPI. They cannot show the basis of the claim, kaya naka-hold ito.”

Sa ngayon ay inaayos ng legal office ng Manila ang kontrata at nagsusulong ng bagong kasunduan na makapagbibigay ng mas malaking share sa kikitain ng operations sa ilalim ng agreement. Kung ito’y hindi susundin ng BBAPI ay agarang itatakwil ang kontrata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *