3 sa 6 na arestadong turista na nagpeke ng PCR test nagpositibo. DOT reminds na may fines at posibleng imprisonment ang mahulian na nagpepeke ng travel documents.
Sa anim na turista na inaresto na nagpeke ng PCR tests sa Boracay, tatlo ang nagpositibo sa Covid. Nagcocoordinate na daw ang DOT sa health officers ng local na pamahalaan ng Malay para masimulan ang contact tracing and monitoring.
Nais din nila ipaalala sa publiko na ang pagpeke ng travel documents is a violation of law, ang Bayanihan to Heal as One Act. May fines at posibleng kulong sa local government ng binisita ang mahuhuli na nagpeke ng dokumento.
Gusto din ipaalala ng DOT na may partnership sila sa ilang ospital para sa masmurang PCR testing. PCR tests para sa local na travel ay P 900 sa UP Philippine General Hospital at P750 sa Philippine Children’s Medical Hospital.