Kung gusto ng herd immunity, dapat lahat ng probinsya ay mapaabutan ng tulong!
Ipinararating ni Senator Risa Hontiveros ang kanyang pagkadismaya sa kasalukuyang pacing ng vaccination rollout sa bansa, at ipinuna pang ito’y hindi sapat kung gusto ng population protekction kontra sa mas transmissible na mga COVID-19 variants.
Aniya, “Magandang balita na pumapalo na sa milyon ang nababakunahang Pilipino laban sa COVID-19. Pero sa huling report, malayo pa rin ito sa target na bilang ng populasyon na kinakailangang maprotektahan.”
Kasabay ng banta ng mas malalang variants ng COVID-19 ay ang kabilaang pag-kansela ng mga LGUs ng kanilang vaccine schedules dahil sa kawalan ng supply ng mismong bakuna.
Tungkol dito’y nagpahayag siya na, “Ang daming LGU ang nagpahayag ng kahandaan para sa vaccination roll out. Mayroon silang cold storage facility, vaccinators, dedicated na lugar, mataas na vaccine confidence, pero walang maibigay na bakuna ang IATF.”
Idinidiin niya rin na dapat lahat ng probinsya at equal ang sakop ng vaccine coverage kung gugustuhin ng gobyernong magkaroon ng herd immunity.
Sa kasalukuyan mayroong average ng 240,000 vaccinations daily, mula sa recommended na 500,000 vaccinations kada araw.
Bilang pagtatatapos aniya’y, “Hindi pwedeng patse-patse ang tugon sa isang pandemya. Walang probinsya ang maiiwan.
We must gain a strong and steady momentum in this long fight against COVID-19.”