“25 years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood”

Ibinahagi ni new-time Mommy, Assunta de Rossi ang karanasan niya bilang aktres sa pag-aalaga ng bagong baby nila ng partner na si Jules Ledesma.

Ani ni Assunta sa kanyang IG post, “25 years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood. I’m awake 14-15 hours during the day, and the rest I wake up every 1-3 hours for feeding or resettling.”

Idinagdag ng aktres na nakakapagod nga, pero ang importante ay mapanatili ang kalusugan ng anak.

Marami sa mga followers ng aktres ang nag-komento sa post at nag-abiso sa kanya na I-enjoy na lamang talaga ito.

Isa si Dawn Zulueta, kaibigan ni Assunta, sa nag-comment sa post na nagsabing, “Oh yes, I remember how exhaustion brought me to tears. Hang in there!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.