25% positivity rate at 18,000+ na cases, pinapakitang hindi siya epektibo bilang DOH Secretary!

Alerto ngayon si Senator Risa Hontiveros sa lumalala lalong sitwasyon ng Pilipinas sa harap ng higit sa isang taong COVID-19 pandemic na patuloy na sumisira sa mga aspeto ng bansa.

Nito lamang ay naitala ang pinakamaraming tally ng cases ng sakit na umabot sa 18,332 cases – sa kabila ng 3 laboratories na hindi pa nagsumite ng datos nila.

Itinala na sa suma-total ng mga na-test ay lumabas na mayroong 25% positivity rate sa kabila ng mga quarantine measures at striktong lockdowns na isinagawa nationwide.

Dahil dito at sa dati na ring mga anomalya sa health situation ng bansa kasali na ang mga isyu ng Department of Health (DOH) ay nasabi na ni Hontiveros na, “Secretary Duque suffers from a serious case of incompetence.”

Ipinarating na rin ni Hontiveros ang pagkabahala niya na sa kabila ng lahat ng ebidensyang nagpapakita na ang pamumuno ni Duque ay hindi epektibo sa laban kontra COVID-19 ay malakas pa rin ang damdamin ni Pangulong Duterte na nagsabing, “I will stand with Duque, even if it will bring me down.”

Pahayag pa ni Hontiveros laban dito, “Hindi pwedeng habang nahihirapan ang mga kababayan natin sa walang katapusan na lockdown, ang Secretary of Health ay sitting pretty at protektodo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *