20,000 tabletas ng Ivermectin ang dineklarang food supplements at kinumpiska!

Mayroong na-kumpiskang mga undeclared ivermectin at ibang mga gamot ang Bureau of Customs sa NAIA.
Ang parcel ay galing sa New Delhi, India at umaabot sa 20,000 capsules ng Ivermectin ang nasa pakete. Sinabing ang mga ito’y dineklara bilang mga food supplements, multivitamins, at multi-mineral capsules at nahuli lamang ng nagkaroon ng physical examination.
Ayon sa Food and Drug Administration Director na si Jesusa Joyce N. Cirunay ng Center for Drug Regulation and Research na ito’y nasa ilalim ng compassionate use ng ilang mga institusyon at may permiso ng FDA na naipapakita sa isang compassionate special permit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.