2 Police Officers sentro ng galit kasi hindi naghubad ng sapatos pagpasok ng mosque!
Nag-public apology ang Lanao del Sur Regional Police matapos magalit ang mga Muslim sa pag-pasok ng 2 police officers sa isang mosque ng Marawi City nang hindi hinuhubad ang sapatos.
Mayroong mga litratong nakuha sa paglabag ng mga ito sa kultura nila.
Ang mosque ay tinuturing na banal ng mga Muslim, at hindi ito pwedeng pasukan ng maruruming bagay. Mayroon pa nga silang ugali ng paghuhugas at pagliligo bago pumasok dito.
Kinumpirma ng Provincial Director ng rehiyon na si Col. Rex Derilo na ang dalawang opisyal ay mga Muslim rin at pumasok sa mga mosque upang masigurong nasusunod ang health protocols sa lugar habang idinaraos ang Ramadan.
Ani ng dalawang pulis, nakalimutan nilang hubarin ang mga sapatos dahil nagmamadali silang umalis para sa iba pang lakad nila.