2 Patay at 4 sugatan sa naganap na shootout sa isang mall ng Quezon City
Dalawang pulis, patay at marami ang sugatan matapos maganap ang isang shootout sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) anti-illegal drug operatives at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) malapit sa isang mall sa Commonwealth Avenue sa Quezon City noong Miyerkules.
Ani ng National Capital Region Police Office chief na si Police Brig. Gen. Vicente Danao Jr. na mayroong 2 pulisya na namatay sa insidente, at isa pang nanganganib ang kondisyon.
Mayroon ding tatlong PDEA operatives na nagtamo ng injuries sa nangyari.
Sa isang pahayag, ani ng PNP Spokesperson na si Brig. Gen. Ildebrandi Usana na isang PNP-PDEA na team ang bubuoin upang imbestigahan ang nangyari.
Idinagdag ni Danao na ang operasyon ng dalawang ahensya ay legitimate. Ani pa niya, “Mayroon naman silang pre-ops in coordination with PDEA. So kung sino ‘yong nagbuy-bust, kung sino ‘yong ka-buy bust, ‘yon po ‘yong iimbestigahan natin.”
May coordination umanong nangyari sa pagitan ng dalawang ahensya, ngunit ang gunfire ay natigil lamang noong tumawag ang PDEA Director General Wilkins Villanueva kay Danao upang sabihin na ang nasa kabilang panig ng shootout ay mga PDEA operatives.
Nagpahayag ng kalungkutan si Danao sa nangyari at ipinaalala sa lahat ng law enforcement teams na ayusin ang koordinasyon sa isa’t isa bago ang mga operasyon.