12 sa 21 crewmembers, COVID-19 positive! Nag-request ng ‘immediate medical evacuation!
Isang container vessel na nagkaroon ng stopover sa India ang ngayo’y naka-anchor sa Sangley Point ng Cavite City matapos i-evacuate ang mga crewmembers.
12 sa 21 Filipino na mga crewmembers ang nag-positibo sa COVID-19 at ang mga ito’y nagrequest ng ‘immediate medical evaluation.’
2 sa mga positibo ay kritikal ang kondisyon at dinala sa isang pasilidad habang ang remaining 10 asymptomatic patients ay dinala sa isang ospital sa Manila.
Ang remaining na miyembro ng crew ay hindi pinayagang makalabas ng vessel at pinagtutuunan ng tamang pansin upang maiwasan ang pagkalat ng virulent “double mutant” na Indian variant B.1.617, na ngayo’y nagdala ng malawakang sakuna sa India.
Ang M/V Athens Bridge ay nag-dock at umalis sa India noong April 22.
Nauna itong pumunta sa Haiphong, Vietnam kung saan sila hindi pinayagang makapasok. Ngunit diyan din naisagawa ang RT-PCR tests ng mga crewmembers at noong nalaman ngang positibo sila sa virus, pinagbawalan silang mag-disembark sa bansa.